(Hindi ko po pag-aari ang mga picture na ipo-post ko dito)
November 4, 2013 sinabi ng pag-asa na tatama ang "Pinakamalakas na bagyo sa buong mundo" dito sa pilipinas ngayon taon na to. November 8, 2013 po ng nag landfall yung bagyo sa pilipinas marami po'ng pilipino ang hindi inasahan na ganun kalakas ang yolanda..
Eto po yung kuha nung bumabagyo..
Maraming tahanan, mga puno, sasakyan, kalsada, eskwelahan, simbahan, barko at iba't iba pang mga kabuhayan ang winasak ng bagyong yolanda. At hindi lamang mga kagamitan, marami ang kababayan natin ang nagugutom, nangangailangan ng gamot, walang damit at walang maayos na matulugan. At mahigit 10,000 na ang namatay at ang hinahanap na katawan.. Para sa iba hindi na ito bagyo, ito na raw ay isang "Delubyo"
Ito pa ang panahon upang Magtulungan tayo bilang isang bayan. Sa nakikita ko sa mga pahayagan. Nakakaiyak at nakakalambot po talaga ang nangyare.
"Let your hope make you glad. Be patient in time of trouble and never stop praying. - romans 12.12"
Wag po tayo mawalan ng pag-asa. Kasama po natin si Lord sa pag-bangon ng pilipinas. Isa lang po ito'ng malaking pag-subok sa ating buhay na kailangan natin harapin at hindi dapat natin hayaan sirain nito ang buhay natin. KAYA NG MGA PILIPINO TO. God is with us! FIGHT FIGHT FIGHT!!!
Let's volunteer and donate!!!
No comments:
Post a Comment